Naranasan mo na ba yung pakiramdam na paggising mo tulog ka pa?!
At dahil tulog ka pa, gumising ka ulit, pero paggising mo...
wala na siya...
Minsan ka lang mabubuhay at ang isang araw ay mabilis lilipas na di mo namamalayan.
Kung di ka kikilos ngayon, kailan pa?!
You don't have all the time in the world. Once the opportunity strike, hit while the iron is hot!
Good morning guys!
Gising na!
Huwag nang tutulog-tulog pa!!!
Friday, April 13, 2012
Gising na!
Labels:
daily,
notes,
opportunity,
photo,
up,
wake,
word of the day
BINSTOK
Susulat ako
Isang mahabang akda
Isusulat ko siya ng buong giliw at pagmamahal
Susulat ako upang mabuksan ang isipan ng ating kababayan
Paliliparin ko ang aking diwa
Bubuksan ko ang aking puso
Igagala ko ang aking mga mata
At isasambulat ko ang aking hinuha
Magpapadala ako sa ihip ng hangin
Ngunit hindi ako magpapatangay sa lakas ng ihip nito
Sisirin ko ang ilalim ng dagat
At lalabanan ko ang malakas na agos nito
Susulat ako ng mga letrang may kaluluwa
At isisigaw ko ang daing ng aking puso
Pagsasayawin ko ang tinta at pluma
Sa saliw ng tugtuging sigwa ay katotohanan
Haharapin ko ang mga matataas na tao
Taas noo akong makikipagusap sa kanila
Aabutin ko ang mga maliliit na tao
At ang bisig ko ang ihahandog ko sa kanila
Itatapon ng iba ang aking isinulat
Kasama ng mga burak, putik at pusali
Tatapak tapakan at hahamakin ng mga buwaya
Habang ang knilang mga bunganga at pangil ay nagtatawanan sa saya
Ngunit panandalian lamang iyon
yayanig ang lupa at sisikat ang matinding araw
At ang burak, putik at pusali ay magiging matabang lupa
Uusbong na tila isang halaman ang aking isinulat
At aabutin nito ang bughaw na kalangitan
Sisimsimin nito ang katas ng lupa
Lupa na dating burak
At pinandidirihan
Dahil ang burak ay hindi mananatiling burak
At ang aking akda ay hindi lamang mananatiling akda
Silang dalawa ang magkatuwang upang abutin ang kalangitan
At maingat ang antas ng kabuhayan
Isang malakas na ulan ang ibibigay ng langit
Kasabay ng matinding sikat ng araw
Sasambahin ng buwaya ang aking higanteng halaman
At mananatili itong taas noo magpakailanman
Isang mahabang akda
Isusulat ko siya ng buong giliw at pagmamahal
Susulat ako upang mabuksan ang isipan ng ating kababayan
Paliliparin ko ang aking diwa
Bubuksan ko ang aking puso
Igagala ko ang aking mga mata
At isasambulat ko ang aking hinuha
Magpapadala ako sa ihip ng hanginNgunit hindi ako magpapatangay sa lakas ng ihip nito
Sisirin ko ang ilalim ng dagat
At lalabanan ko ang malakas na agos nito
Susulat ako ng mga letrang may kaluluwa
At isisigaw ko ang daing ng aking puso
Pagsasayawin ko ang tinta at pluma
Sa saliw ng tugtuging sigwa ay katotohanan
Haharapin ko ang mga matataas na tao
Taas noo akong makikipagusap sa kanila
Aabutin ko ang mga maliliit na tao
At ang bisig ko ang ihahandog ko sa kanila
Itatapon ng iba ang aking isinulat
Kasama ng mga burak, putik at pusali
Tatapak tapakan at hahamakin ng mga buwaya
Habang ang knilang mga bunganga at pangil ay nagtatawanan sa sayaNgunit panandalian lamang iyon
yayanig ang lupa at sisikat ang matinding araw
At ang burak, putik at pusali ay magiging matabang lupa
Uusbong na tila isang halaman ang aking isinulat
At aabutin nito ang bughaw na kalangitan
Sisimsimin nito ang katas ng lupa
Lupa na dating burak
At pinandidirihan
Dahil ang burak ay hindi mananatiling burak
At ang aking akda ay hindi lamang mananatiling akda
Silang dalawa ang magkatuwang upang abutin ang kalangitan
At maingat ang antas ng kabuhayan
Isang malakas na ulan ang ibibigay ng langit
Kasabay ng matinding sikat ng araw
Sasambahin ng buwaya ang aking higanteng halaman
At mananatili itong taas noo magpakailanman
Thursday, April 12, 2012
Morning Reflection
Thank You for this great morning Lord.
Hindi madaling marating ang tuktok, sa gitna ng iyong pagakyat pataas ay maari kang madapa, madulas at masaktan.
Pero ang higit na importante ay kung paano mo ginamit ang hapdi, sakit at galos mo upang matuto at maging mas mabuting tao.

climb,
contempation,
encourage,
encouragement,
fail,
failure,
instagram,
Morning,
mountain,
sky,
success,
top,
top shot,
word of the day
BUTTERFLY

I woke up and was crying hard again.
I was alone again.
I was expecting for the butterfly to come back,
But it was in a point of no return.
The Butterfly was once with me.
With its color I stand in awe, a strong pounding in my chest,
That Butterfly was my world.
I admired everything
The movement of the wings allures my being.
But suddenly...
It was gone,
Still I wait in the moonlit window pane.
'Til I know it will never come back,
But still I waited... for nothing.
I wont stop!
'Til I see a Butterfly again!
Would it be the same butterfly?
Or a new Butterfly?
When will it come?
I will wait...
I'm hoping that the butterfly comes fast
Without the Butterfly
I might die.
June 16, 2008 |IN MEMORY OF...
Labels:
brokenhearted,
Butterfly,
depression,
emo,
heart,
heartache,
hurt,
love,
nature,
pain,
poetry,
sad,
sadness,
young love,
youth
Wednesday, April 11, 2012
Lipad!
"Fear doesn't exist, it's just an illusion."
Pagod na akong matakot.
Pagod na akong magalinlangan.
Pagod na akong magdahilan.
Lilipad na ako!
Maraming akong bagay na gustong gawin. Pero kadalasan pinangungunahan ako ng takot na simulan ang mga ito. Madalas iniisip ko baka magkamali ako.
Natatakot akong magkamali. Baka hindi tama! Baka di maintindihan! Baka laitin nila ang gawa ko! Baka hindi maging maganda!
Lahat ng mga bagay na ito ang kumakain sa aking lakas ng loob. Madalas naman ay nagpapalamon ako sa mga isiping ito. At nagpapatalo sa nakalalasong ideya.
Naisip ko... Hindi ba mas malaking pagkakamali ang magpatalo sa aking mapanghusgang isipan?! Di ba't mas hindi tama ang huwag na lang gumawa?! Hindi ba't mas lalong hindi nila ako maiintindihan kung wala akong gagawin?! Hindi ba't mas kalait lait na wala kang nagawa dahil naging wala kang silbi?! At hindi ba at higit na di maganda ang magpatalo ka sa takot!
Takot na ikaw lamang ang gumawa! Takot na ikaw din ang tatalo!
At takot na kayang kaya mo namang mapagtagumpayan!
Ayoko nang matakot!
Tapos na!
Ang takot ay isa lamang malaking ilusyon! Dahil magmula ngayon lilipad na ako! Eh ano kung ilang beses akong bumagsak?! Eh ano kung masaktan ako?! Matututo din ako! Mararating ko rin ang tuktok! Mahirap pero di na ako dapat magaalinlangan pa!
Di na dapat ipagpabukas pa dapat nayon na! Heto't lilipad na!
TAKOT IIWAN NA KITA!!!
Woooooh!!!!

Di na Gaya ng Dati
Maraming mga bagay sa buhay ko ang madalas kong namimiss ng husto. Siguro nga masyado lang akong sentimental na tao. Masyado kong pinapahalagahan ang bawat tao, bagay o di kaya’y mga pangyayari na nangyayari sa buhay ko.
Mahirap maging sentimental. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit ka nahihirapan na magmove-on. Kapag patuloy mong hinahayaang ikulong ang sarili mo sa lungkot at saya ng nakaraan. Ang masasabi ko lamang ay guilty ako pagdating sa mga ganyan. Kadalasan kasi ay nakikita ko na lamang ang sarili ko na tulala at ayun nabubuhay na naman sa nakaraan.
Nang magkaroon kami ng chance na magkita-kita kami ng mga pinakamalalapit kong kaibigan sa kolehiyo ay naging sobrang excited ako kasi sa wakas ay magkikita-kita kaming muli. Mapupuno na naman ang araw at gabi namin ng kwentuhan, tawanan at babalikan naming muli ang nakaraan. Katulad ng dati ay uupo kami sa isang maliit na pasilyo o di kaya’y magdadaldalan sa hagdan. Magbibiruan kaming muli at ikukwento ang aming mga karanasan sa pag-ibig at mga kalokohan sa buhay.
Pero matapos ang event nung gabing kami ay magkita-kita tila lahat ay nagmamadaling umuwi. Lahat may mga lakad at pasok sa trabaho na hinahabol. Lahat wala ng panahon pa upang makipagkwentuhan. Hindi tulad ng dati na tila sa amin ang buong gabi kung magkwentuhan at maghalakhakan. Tila wala na kaming bukas kung magpa-umaga sa daan habang paulit-ulit ang mga kwentuhan. Pero ang gabing ito ay hindi na tulad ng mga nakaraang gabi na ako ay nasa kolehiyo, ang mga masasayang gabi na kami ay magkakasama nagkukwentuhan at nagtatawanan. Wala na ang mga gabing iyon. Nagbago na ang lahat. Isa na lamang siyang ala-ala.
Kailangan na talaga naming harapin ang next phase ng buhay namin. Buhay na may sari-sariling kapalaran na nais tahakin. May mga bago na rin kaming kaibigan, katrabaho at kasama. Marami na rin kaming di alam sa isat-isa. Marami na nga ang nagbago sa bawat isa. Bigla ko tuloy natanong sa isip ko; kilala pa kaya namin ang isa’t isa. Tila nagsisimulang gumuhit ang manipis na linya sa pagitan namin, ako at sa aking mga kaibigan. Biglang pinaglalayo na kami ng pagkakataon, ng mga panahon na kami ay hindi magkakasama. Pinaglalayo na kami ng mga bagay na ito. At ang magaganda ay nakalipas na at di na namin kailanma’y maibabalik pa.
Kaibigan ko pa rin naman sila. Sila ay patuloy na magiging bahagi ng buhay ko. Habang buhay na silang nakatatak at nakasulat sa bawat pahina ng aking kwento’t kasaysayan. Pero ang lahat ng bagay ay nagbabago, lahat patuloy sa pag-evolve. Ang kailangan mo lamang gawin ay sumabay ka sa agos ng buhay. Paalam sa aking nakaraang di ko na maibabalik. Hello naman, sa aking kinabukasan na sa akin ay naghihintay. Babalik pa rin naman sila sa aking bukas di nga lang tulad ng dati. Magkakasama na kami sa bagong yugto ng aming mga buhay. Iba nang mga problema at iba ng klaseng pagsasama.
Pero sa ngayon, uupo muna ako sa isang sulok aalalahanin ko ang dating eksena na nandoon ang aking mga kaibigan, malalim na ang gabi pero tawa pa rin kami ng tawa. Habang sinasalubong ang umaga na bagamat may problema ay ayun nakangiti pa rin kami at nakatawa dahil kasama namin ang isa’t isa. Miss ko na talaga sila.

Subscribe to:
Comments (Atom)